Facebook like

Wednesday, August 15, 2012

buhay musikera :)

"papalitan ko ang lyrics, mantritrip gamit ang gitarang malupet!"


di maintindihan, magulo mag isip, may sariling mundo. ganyan ko ilarawan yung kaibigan ko. bokalista ng banda, magaling kumanta, bokalista nga e. nakakatawa minsan kasi pag pinapanood ko sya sa mga gigs nya habang nasa stage sya, madami nsyang jokes na naibubulas na hindi ko naririnig pag magkasama kami, minsan natanong ko sya sabe ko, "galing mo mag joke ah! tawa yung mga audience mo" sabay sagot sya, "impakto e!" nagulat ako.. ano yung impakto? yun pala ang ibig nyang sabihin dun ay ang audience impact. kung makikita mo sya sa personal matutuwa ka sakanya e, kasi napakabata pa nya, maikli buhok nya, maporma. parang buhay artista rin sya. minsan nga sinamahan ko sya sa isa sa mga gigs nya,  sumama ako hanggang backstage, dun ko nakita simula ng buhay nya, magmula sa pag memeyk-up, gang sa pagpili ng damit gang sa pagkokonekta ng sariling wire nya sa mikropono. nung ok na lahat, isinalpak nya na sa tenga nya yung maliit nyang earphone, sabay kinig ng music, ang tawag nilang mga musikero dun ay "sipra" ibig sabihin pag sumisipra ka di ka lang basta basta nakikinig ng music at nag eemote.. pinapakinggan mo yung tono nya at inilalagay mo ang sarili mo sa bawat kataga ng musika.

tapos biglang may sumigaw "soundcheck para sa first set" gulat naman ako, akala ko ano na!? yun pala mag sisimula na ang tugtugan, dipa masyado marami ang tao sa first set e. 13 songs kada isang set. ayos ah! sa una medyo nakakaboring yung mga kinakanta nila, pag katapos ng halos isang oras na tugtugan nakakatuwa namang, kakain na sila, mag reretats at maglilista ulit ng mga kakantahin pagkatapos nun magpapahinga. sa mga sumunod na oras napansin ko padami na ng padami ang tao. naisip ko aba! sosyal! daming makakapanuod sakanya baka madiskober pa sya nito, pagsampa sa stage para sa ikalawang oras ng tugtugan napansin ko yung mga kinakanta nila yung mga talagang sumikat at kasalukuyang sikat at mahahalata mo naman yun sa mga nanunuod kasi nakukuha nilang sumabay sa tugtugan e! maski nga ako nakiki sayaw sayaw na rin. ngiti ngiti rin. pag may lovesongs, magugulat ka nalang yung ibang tao pumupunta sa dance floor ta mag sesweet dance.(ayii) kilig kilig din..
pagkatapos ng ikalawang set ng tugtugan, baba na ulit ng stage, pahinga at dun ko napansin na ibat ibang klaseng tao na ang lumalapit sa mga miyembro ng banda para magtanong ng pangalan nila, manghingi ng numero at mag abot tissue peyper na may nakasulat na kanta at may nakaipit na pera, pero hindi naman lahat ng tissue na naiaabot sakanila ay may kalapit na pera. yun ang mga request na kanta para sa ikatlong oras ng tugtugan nila.
  sa ikatlong oras halos lahat na ng tao, lasing na. anjan na yung pwede ka nang makisali sa banda, umakyat sa intablado at magwala wala dun na parang tanga na parang wala kang kakilala at kahit meron pa man makakita wala kang pakialam kasi hindi ka naman araw araw dun pupunta e. pagktapos ng tugtugan pagababa ng banda sa stage, andyan na yung magpapapicture, may mga kostomer na makikipag kulitan. nakakatuwa. at higit sa lahat katuwa tingnan yung bonding nilang magkakabanda na hindi nalang basta isang grupo kundi isa na silang buong pamilya :)
minsan iniisip natin pag nasa banda ang isang babae di na agad maganda ang imahe, pero mahirap mang husga, subukan mo munang kilalanin sila, sinasabi ko sayo walang pinagkaiba sa buhay artista, maliban lang sa katotohanan hindi pa sila ganun kasikat pero ganun pa man, pag pinanuod mo sila at sumabay ka sa indayog ng musika, rock and roll.. subukan mo. wala namang mawawala :)

4 comments:

  1. ang ganda ng mga inside stories :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you :) nag start palang ako gumawa e.. beginner palang hehe.. salamat.. namimiss ko na buhay musika.. tagal tagal na ding di nkakatugtog e :(

      Delete
  2. apol ang ggnda..ako c jade...mnsn na kitang napanuod sa simplicio..u r brilliant :)

    ReplyDelete
  3. thankyou so much :)) hope to see you personally.. kwentuhan din :)) salamat!

    ReplyDelete