Facebook like

Wednesday, August 8, 2012

sabi ko lang..

noong bata pa ako natutuwa ako sa kidlat e kasi akala ko pinipicturan lang ako, naalala ko pa, pag kumikidalat nag popose ako sabay tingin sa ulap, ngayon pag kumikidlat nanlalaki na mata ko sa takot (malaki naman talga mata ko eh!) sabay nagtatakip ng tenga kasi feeling ko parati kukulog pagkatapos kumidlat.

noon bata din ako nakikpag agawan ako sa lababo kasi gustong gusto ko nmaghugas ng plato, yung tipong tutungtong pa talaga sa upuan, aagawan si nanay,iiyak pag di pinayagan.haha. pero ngayon, pahirapan ang paghuhugas ng plato, madalas nga kung kelan konti lang yung hugasan tska pa tinatamad, pag nakikita kong isang set plang ang hugasan (1 plato,1 baso,1 kutsara) sasabihin ko "hmp.mamaya na yan, konti palang naman e" pero pag dumami na ang hugasan "mamaya nalang yan, pramis mamaya huhugasan ko yan"haha.

noong din, parati akong sinasabihin ni tatay "anak magpulbo ka naman,ang kintab na ng mukha mo e!" pero ngayon ang madalas na sinasabe nya sakin lalo na pag lalabas ako ng bahay "anak,tipirin mo naman yung pulbo. mahal mahal e" .. natatawa nalng ako e..

noon tinatamad akong magaral e, pero nung natigil ako.. tapos konting muni muni pag mag isa.. "ay! sarap palang mag aral, parang maliban sa grades at sa titser na mataas ang grado ng salamin, wala ka nang ibang aalahanin e.. "

dati usong uso yung autograph ba yun?.. tuwang-tuwa akong sinasagutan yung who is your crush e! tska sineseryoso ko pa yung pagsagot dun(inuuwi ko pa talga sa bahay yun para masagot ng maayos e haha), kasi iniisip ko talga kung sino, e sa dami ng crush ko ang sinasagot ko nlang m2m e. "many to mentions" haha. tagal ko na rin di na nakakapagsagot nun ha? naalala ko alst time na sumagot ako ng ganun e grade 3 ako nun e..

dati eksayted akong magkaboypren, feeling ko kasi mauubusan ako ng lalake e.haha. pero ngayon tumatanda na ata ako, takot na ko magkaboypren :D

noong bata ako gusto ko nang lumaki agad kaya lahat ng vitamins sinubukan ko na.haha.
pero ngayon naisip ko sarap pala maging bata, wala kang inaalala... pwede ako kumandong kay mama o kay papa tapos wala syang magagawa kundi tumawa.. pero pag laki mo try mo kumandong, magrereklamo sila! AHAHA