Minsan may mga araw na nakakatamad talaga. Ewan ko ba kng bakit nakakaramdam ako n ganito.. ayoko
pumasok sa trabaho ko.. gusto ko isang buong araw lang akong nakaupo, higa, at
nag kokumpyuter.. nag ta-type ng kung ano ano para may mabasa ka.. tapos biglang
magugutom..kakain..tapos hihiga na naman.. senyorita??
Sbe nila dapat daw magsipag, mag ipon para sa kinabukasan..
sinusubukan ko naman e kaso pag dating sweldo, naglalaho nalang ng parang bula
ang pera malala pa nito, kulang pa! o magastos lang talga ako?.. sininubukan ko
nang magbasa ng kung ano anong book tungkol sa pagtitipid, kaso ang ending
ganun pa rin. Siguro di ko lang naisasapuso ang binabasa ko. :D
Minsan naiisip ko kaya ayoko na pumasok sa work ko ay dahil
nahihrapan na ko. Well, di naman kasi talaga sya ganun kahirap e. siguro
tinatanong mo sarili mo ngayon “ano ba kasing work nito”..
Ang work ko ay ang usong work ngayon, taga sagot ng tawag ng
mga kano, taga salo ng problema nila. Kung iisipin ko minsan di naman talaga
ganun kahirap sumagot ng tawag at tulungan silang resolbahin ang problema nila
sa bill nila or gadgets ( tamad kasi nila magbasa e). ang mahirap ay labanan
ang stress lalo na pag ang tumatawag ay galit na galit na. naku. Anjan na yung
pakiramdam na matataranta ka, tapos mag mumura sila na kung pwede lang
idisconnect mo na yung call e.
Maliban dun mejo nahihirapan din ako sa schedule ko, pang
gabi kasi e. ibig sabihin gising ako sa gabi kasi yun ang oras sa US e.
sinusunod din naming ang US holiday, so kahit
holiday dito sa Pilipinas ng Ninoy Aquino day, di kami apektado dun!
“MAY PASOK KASI KAMI!”. Ang masama nun lahat ng kaibigan ko puro pag umaga ang
eskedyul, at opis work sila. So pag holiday dito sa pinas wala silang pasok
kami meron. Kaya wala akong “social life” ang hirap!
So nakakaboring, isa pa pag rest day ko ng Saturday, umaga
na ako nakakakuwi, pag uwi ko tulog, gigising gabi na. wala nang mall na bukas.
Hay! Abnormal yung buhay ko. Gusto ko maging normal. Gising sa umaga tulog sa
gabi!
After ko masulat to. Napag isip isip ko mag resign haha! Ano
sa tingin mo?
No comments:
Post a Comment