Ang ganda naman ng panahon.. di masyadong mainit di rin
masyadong malamig.. tamang tama lang
para itulog..
Haay. Ang sarap ng hangin sa pakiramdam.. nakakawala ng
pagod kahit sa papaanong paraan.. mejo malamig ng konti, naalala ko malapit na
nga pala ang pasko.. ibig kong sabihin konti buwan nalang ang bibilangin
kumpara nung nakaraang buwan..
Sa ngayon wala sa isip ko ang matulog, di naman kasi ako masyadong puyat. Ang gusto ko sa ngayon ay lumabas, sumakay ng bus, maglakbay kahit pa mula north hanggang south, ayos lang.. yun ang gusto ko sa ngayon.. ayoko ng aircon na bus kasi hindi naman masyado mainit e.. para bukas yung bintana ng bus, kasi gusto ko makita yung mga puno, bundok, taniman, minsan may kubo pa, yun mga taong simpleng simpleng ang damit at nag aani.. naglalarawan na kahit gaano kasimple ang buhay, hinaharap pa rin ng may kasiyahan.. at naisip ko pag katapos ng mahabang byahe, ang huling destinasyon mo ay dagat.. puting buhangin kung san ubod ng linis na pwedeng pwede mong higaan kahit nakaputi ka pa ng damit di mo iisiping madumihan. Sa linaw ng tubig na asul, sa lawak ng paligid, isipin mong tinatangay ng agos nito ang bawat suliranin na hinaharap mo.. sarap sa pakiramdam.. at sa lamig ng tubig, parang pinapatay ang apoy na nasa isip mo..
Kasabay ng mga gusto kong gawin ay ang mga bagay na
kailangan kong gamitin, syempre mawawala ba naman ang litrato? At dahil jan
napag isip isip ko na kailangan ko ng kamera.. isang kamera na ubod ng ganda,
na pag kumuha ka ng isang larawan paniguradong buhay na buhay kung iyong
tititigan.. at syempre habang nasa bus ka kailangan mo rin ng musika.. pero
depende naman yun kung ano ang gusto mo, pwede rin namang games basta mageenjoy ka.
Di importante sken kung may kasama ako o wala, basta gusto
kong gawin yun kasi masaya yun.. tsaka nakakarelax.. pero kung iisipin mo mas masarap kung meron
kang kasama, pero pano kung wala talaga? Wala kang magagawa kundi harapin ang
katotohanang magisa ka.. hinga ka lang
ng malalim sabay buga, may dahilan kung bakit nandyan ka..
Tara, sa bus…….
No comments:
Post a Comment