" hanging nakakanginig"

Natapos na naman ang isang buong araw na nakakapgod, nakakapagod mag isip, nakakapagod ang ibat ibang posisyon ng paghiga para lang mapatulog ang sarili. nakakapagod tamarin..
Naisip ko bakit nga ba ako tinatamad? buong araw kong hinanap ang sagot hanggang sa gabi na. Hindi ko pa rin maintindihan kong bakit, pkiramdam ko paikut ikot nalang ako sa loob ng bilog kakahanap ng sagot. Paikut ikot lang, pero di ko namamalayan na habang tumatagal ang oras kakaisip ko kung bakit, onti onting nawawalan ng direksyon ang buhay ko..
Hanggang dumating ang gabi, isang tao ang nakasama ko. Tumambay kami sa isang lugar, hanggang sa nag kwentuhan. Hanggang sa tinanong nya ako kung bakit ako tinatamad? sinabe ko lahat ng dahilan, kasi masama pakiramdam ko. wala na akong ganang pumasok. pinaliwanag ko ang sistema ng kompanya na nakakainis, kagaya ng kung may sakit ka kelagan mo munang pumunta sa klinik para macheck up ka at sabihin sayo ng doctor na kelangan mo ng umuwi para mag pahinga, ,maganda sanang proseso yun, kaso hihintayin muna ng doktor makita na naghihingalo ka bago ka pauwiin, medyo nakakapikon.