Facebook like

Thursday, October 11, 2012

hugot!

"nakakawala talaga ng tiwala sa sarili kung di mo magawa ang isang bagay kung san ka masaya"

minsan naisip ko dati okay lang kahit di mo gusto yung ginagawa mo importante nagkakapera ka, kumikita ka, at the end of the month may aasahan kang darating na pera sayo, yung tipong pag pinasok mo yung atm mo sa atm machine parang isang magic na pagkatapos mo pumindot ng ilang numbers may lalabas nalang bigla na pera! sarap sa pakiramdam. pagkatapos ng ganung sandali balik ka na naman sa normal na buhay mo, ibig kong sabihin ang araw-araw na ginagawa mo..

kelangan mong maging masipag kasi pag di ka pumasok wala kang kikitain sa isang araw. pano nalang kung may mga pinagkakagastusan ka, pano kung naguupa ka ng bahay, mahihilo ka pag dating ng panahon na wala ng lumalabas sa atm mo. di mo alam ngayon kung san ka huhugot ng dapat hugutin. kahit cgro yugyugin mo pa ang atm machine wala ng lalabas jan. nakakatrauma yung ganung pang yayari eh!

kaya kahit gano kahirap at kahit gano hindi mo kagusto yung ginagawa mo wala kang magagawa.. ganun ba yun?  kasi kelangan mo yun, pero kung di mo yung kelangan gawin, gagawin mo kaya  yun? napag isip isip ko mas masarap gawin yung bagay na gusto mo, kasi di ka mag sasawa, di ka tatamarin kahit hindi masyadong malaki yung kita basta masaya ka dun ka makakahugot ng lakas, at tiwala sa sarili mo na kaya mo labanan kahit anong mangyari. madami ka rin matututunan.


mahirap mag makaawa sa sarili mong gawin ang isang bagay na ayaw mo naman nang gawin, maraming maapektuhan, isa na roon ang kasiyahan mo. ang pagiging kuntento. ang tiwala mo sa sarili. kung san naniniwala akong maikli lang ang buhay.. maraming pwedeng mangyari sa loob ng isang minuto.. para saken ang importante masaya ka.. kasi sa langit di mo alam kung magagawa mo pa ang bagay na gusto mong gawin, masama pa nito di mo talaga alam kung sa langit ka nga ba mpupunta....



ikaw. anong pumipigil sayo para di gawin ang gusto mo? napag isip isip mo na ba kung kilala mo pa ang sarili mo? :)




No comments:

Post a Comment