Facebook like

Sunday, October 28, 2012

sulat ng patawad.

isang nakakapagod na araw.

yung pakiramdam na physically pagod ka na, mentally, emotionally, spritually. yung pakiramdam na gusto mo nang mamatay kasi hindi ka na masaya.. nakakapanghina. higit sa lahat yung pakiramdam na gusto mo nang iwan yung taong mahal mo kasi nasaktan mo sya ng todo-todo.. nakakalito.. kalaban mo pa sarili mo..

nakakainis yung mga oras na sobrang galit ka, na hindi mo na alam masasakit na pala yung sinasabe mo.
yung mga oras na sobrang nagkakasakitan na kyo, na parang tumigil na ang oras sa parte na yun.. nakakainis yung hindi mo na kilala sarili mo kasi iniisip mo bakit mo nagagawa yun e hindi ka naman tlga ganun.

masakit masaktan ng pisikal. yung sampalin ka ng halos matanggal na mukha mo sa sakit, yung sakalin ka, masakit yun.. pero masakit yung alam mong yung taong nanakit sayo nasasaktan ka gawa ng mga salitang nabibitawan mo. mas masakit yun. mas masakit yung pakiramdam na nasasaktan mo yung taong mahal na mahal mo.

nakakapanghina pag yung taong mahal na mahal mo nakikita mong umiiyak, wala sa sarili, paulit ulit nyang binabanggit lahat ng mga salitang nabitawan mo na masasakit. malungkot. sobrang lungkot. parang pakiramdam mo sasabog yung isip mo, puso mo at yung pakiramdam  na parang kaluluwa ka nalang na ligaw.

at pagkatapos ng ganun sandali, maiisip mong mali lahat yun.. manghihingi ka ng patawad sa lahat ng salitang nabitawan mo. pero para san pa, nasabe mo na.. kahit sabihin mong galit ka lang kaya mo nasabe yun..  para san pa nasaktan mo na sya.. pano kung sobrang bait sayo ng taong yun, walang inisip kundi maging perpekto ang relasyon nyo.. hindi nya dapat nararanasan na masaktan.. mahirap..

pagtigil ng oras.. tapos na ang bagyo.. wala na yung ulap.. andaming nawala.. ang hirap bumangon.. yung pakiramdam na nakakailang.. nakakahiya.. yung pakiramdam na gusto mo na muna lumayo.. hanggang makalimutan mo lahat ng nangyari... nakakapanghinayang..  nakakalungkot.. nakakapagsisi..

tama sila, kapag galit ka.. hanggat maaari wag na wag ka mag bibitaw ng salita........
kasi mas masakit pag yung taong mahal mo nasaktan mo dahil sa mga salitang nabitawan mo...

No comments:

Post a Comment