
Naisip ko bakit nga ba ako tinatamad? buong araw kong hinanap ang sagot hanggang sa gabi na. Hindi ko pa rin maintindihan kong bakit, pkiramdam ko paikut ikot nalang ako sa loob ng bilog kakahanap ng sagot. Paikut ikot lang, pero di ko namamalayan na habang tumatagal ang oras kakaisip ko kung bakit, onti onting nawawalan ng direksyon ang buhay ko..
Hanggang dumating ang gabi, isang tao ang nakasama ko. Tumambay kami sa isang lugar, hanggang sa nag kwentuhan. Hanggang sa tinanong nya ako kung bakit ako tinatamad? sinabe ko lahat ng dahilan, kasi masama pakiramdam ko. wala na akong ganang pumasok. pinaliwanag ko ang sistema ng kompanya na nakakainis, kagaya ng kung may sakit ka kelagan mo munang pumunta sa klinik para macheck up ka at sabihin sayo ng doctor na kelangan mo ng umuwi para mag pahinga, ,maganda sanang proseso yun, kaso hihintayin muna ng doktor makita na naghihingalo ka bago ka pauwiin, medyo nakakapikon.
At ang taong nakasama ko, tumanggo lang sya. Isang bagay lang ang pinaliwanag nya saken at yun ay ang RESPONSABILIDAD kung tawagin. Ang kasipagan at ang responsabilidad ay mag kaiba. may mga taong pumapasok kasi masipag sila, masipag pumasok. pumapasok pero hindi ginagawa ng maayos ang trabaho. at meron namang responsable, papasok at gagawin ng maayos ang trabaho.
Andami kong napag tanto sa mga sinabe nyang yun. Andami kong natutunan. Naisip ko ang mga bagay na gusto ko talagang gawin, nakabuorin ako ng panibagong pangarap. Pangarap na kelangan simulan. At sa lahat ng gagawin mo, kahit ano pa man yan parating may kaakibat yan na responsabilidad. maliit man o malaki.
Akala ko noon ang responsabilidad para lang mga magiging magulang na at mga magulang. dalawampung taon bago ko naisip at natutunan ang ibig sabihin ng responsabilidad. Lahat tayo may responsabilidad, bata ka man o matanda. may ngipin o wala, dalaga o binata, may asawa o wala, tomboy o bakla.. mayaman o dukha. ano pa man ang iyong ginagawa may responsabilidad yan na kaakibat.
"malamig ang hangin.... nag kape ka na ba?"
No comments:
Post a Comment