Facebook like

Thursday, September 27, 2012

ISIP ISIP DIN..



Bakit kelangan parating sineseryoso ang mga bagay..

Minsan nakakatawa isipin na kelangan mong magisip ng husto para lang masabe na napakatalino mo, kelangan mong seryosohin ang mga bagay bagay sa mundo, at pag sinaksak mo na sa isipan mo na kelangan mong maging napakatalino, mag sisimula ka nang maging isang malupet na henyo, sa isip sa salita at sa gawa.. 

Andyan na yung tipong pag nagsalita ka at nagbigay ng reaksyon tungkol sa ekonomiya ng bansa, halos lahat ng tao sasabihin sayo,” wow! Ikaw na.. galing”..  andyan na yung magiging hilig mo na ang mga laro na ginagamitan ng utak.  Hanggan sa di ka na makausap ng matino.. kung sa iskul, ikaw na ang sasabihin nilang walking and talking dictionary..  magaling! kadalasan pa nga ikaw na ang lider sa klase.. siguro sa lahat maliban lang kung san pwedeng  mag inuman.. 


Iba iba ang katalinuhan ng tao.. may mga taong  magaling sa ganitong bagay may iba namang hindi.. parang hindi porke di ka marunong mag buo ng rubics cube e wala ka nang alam. Hindi ganun yun.. kung malalaman mo anong kemikal ang bumubuo sa libag at ihahayag mo yun sa mga kakilala mo sa magandang paraan malamang magugulat sila, tunog matalino ka na.. pwede na.. 

May mga tao namang kakaiba, yung mga tipong walang pakialam sa mundo, lahat nkakatawa.. halimbawa seryoso ka na, yung tipong naiiyak ka, bigla nyang gagawin nakakatawa ang kwento mo.. aba! Malamang mainis ka pero sa totoo lang dapat kang matuwa kasi ang malungkot na parte ng buhay mo, natulungan ka nyang Makita ang maliwanag na parte nito..

At meron namang taong nakakainis, kasi di mo maintindihan kung anong gsto nila..halimbawa sa painting na abstract.. madalas ang  bawat tumitingin dito talagang pagiisipan ang ibig sabihin nito, pero sa mga taong kagaya nun isang yun.. sasabihin nya..” di ko lam ang ibig sabihin nyan, bakit ba kelangan mong pagisipan ang bwat linyang ginuhit na yan.. malay ba natin kung trip nya lang yan, ginuhit nya ang linya may magawa lang.”


Malay mo nga nman diba?

No comments:

Post a Comment